Calendar
Turkish execs, mayor binuksan bagong palaruan sa Tagaytay
TAGAYTAY CITY, CAVITE–Binuksan sa mga mag-aaral ng Tagaytay City Central Elementary School sa Brgy. Sungay West noong Lunes ang bagong palaruan na donasyon ng gobyerno ng Turkey.
Pinangunahan ni Turkish Ambassador His Excellency Niyazi Evren Akyol, Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Ibrahim Katirci, Country Director of the Turkish Cooperation and Coordination Agency (TIKA) Manila Program Coordination Office ang simpleng turnover ceremony kasama ang DepEd Tagaytay City.
Nagpasalamat din kay Dr. Edeliza Catacutan, Public School District Supervisor ng Tagaytay City, ang mga panauhin.
“Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat para sa iyong mapagbigay na donasyon ng palaruan at 36 na mga whiteboard.
Ang iyong kontribusyon nagdulot ng kagalakan sa aming paaralan at mga mag-aaral at nagbibigay sa mga bata ng isang ligtas at masayang espasyo para maglaro at habang ang whiteboard magpapahusay sa kakayahan ng mga guro na magturo,” dagdag ni Dr. Catacutan.
Namigay din ng school bags at supplies sa mga estudyante ng nasabing elementarya.