Erwin Tulfo

Umano’y plano para i-impeach si VP Sara Duterte, intriga lang – Tulfo

Mar Rodriguez Nov 16, 2023
153 Views

PINABULAANAN ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ngayong Huwebes na may plano para i-impeach si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kontrobersyal na P125 milyong confidential fund na naubos sa loob ng 11 araw.

Ayon kay Tulfo minabuti nitong itanong sa liderato ng Kamara partikular kina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at House Committee on Accounts chairperson Elizaldy Co at iba pa kung mayroong katotohanan ang isyu.

“This morning, I reached out to leaders, including Cong. Zaldy (Co) and the Speaker, to address rumors circulating in Congress. However, there is no substance to these discussions; no such thing has been deliberated among party leaders or the House leadership,” sabi ni Tulfo sa panayam sa media.

Ang komite ni Co ang nagdesisyon na ilipat ang P650 milyong confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education sa mga security forces sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Nauna rito ay naglabas ng pahayag si Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na mayroon umanong mga mambabatas na nag-uusap-usap tungkol sa posibleng impeachment laban kay Vice President Duterte.

Nilinaw naman ni Castro na ang mga usapang ito ay hindi naman sineseryoso at wala umanong solidong hakbang laban sa ikalawang pangulo.

“I’m unsure where Cong. Castro got this information, and upon inquiry, the leadership was equally surprised. I confirmed with my superiors, and there’s no such discussion,” sabi ni Tulfo.

Ipinunto pa nito na sa kasalukuyan, walang masasabing impeachable offense na gawa ang Bise Presidente.

Iginiit ni Tulfo na dapat ay may kaakibat na matibay na ebidensya ang paghahain ng impeachment complaint.

“Perhaps, in the future, with additional facts, details may emerge, altering the situation. However, currently, there’s no substance, and it requires further review. As per the leadership, there’s no discussion or plan for impeachment when we return on Monday,” giit ni Tulfo

Iwinaksi din ni Tulfo na may kampihan sa Kamara laban sa bise-presidente at pabor kay Speaker Romualdez.

“The unity is focused on moving the country forward, following the directive of President Marcos to stand together,” Tulfo pointed out.

Dagdag pa niya: “The goal is to unite for the people and progress, not against Sara Duterte or her family. The Speaker’s instructions before leaving for the US were to continue working and passing laws needed by the Executive Department.”

Umano’y plano para i-impeach si VP Sara Duterte, intriga lang – Tulfo