ROTC

Unang ginto sa NCR leg, pag-aagawan sa ROTC Games

273 Views

PAG-AGAWAN muli ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force cadets ang unang gintong medalya na nakataya sa pagsasagawa ng athletics competitions sa pagsasagawa ng

National Capital Region (NCR) leg ng 2023 Reserves Officer Training Corps (ROTC) Games sa Rizal Memorial Sports Complex at PhilSports Arena. .

Una nang isinagawa ang pagbibigay parangal sa natatanging kababaihan sa Ms. ROTC Games ang multi-sports na torneo na para sa mga kadete sa sandatahang lakas sa bansa Sabado ng gabi sa GSIS Theater sa Pasay City.

Paglalabanan ang mga gintong medalya sa centerpiece event na 100m, 200m, 4×100 relay at 4x400m relay.

Tampok sa opening ceremony ang dating national boxer at kasalukuyang IBO/IBF Super Featherweight champion na si Charly Suarez, SEA Games arnis champion Dexter Bolambao at silver medallist Mary Allin Aldeguer na nagsisindi sa cauldron.

Pinamunuan naman ni Sgt. Jovelyn Gonzaga, na SEA Games bronze medalist sa volleyball at Aldeguer ang Oath of Sportsmanship ng mga atleta at opisyales.

Nagbigay mensahe sina Manila City Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Ayong” Malapitan, at sina

ROTC Games chairperson Richard Bachmann ng Philippine Sports Commission at Dr. J. Prospero De Vera ng Commission on Higher Education.

Nagbigay din ng espesyal na mensahe si Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro habang pormal na sinimulan ng may brainchild ng torneo sa kanyang inspirational message at pagdeklara ng pagbubukas ng torneo si Senator Francis Tolentino.

Ang aktibidad ay magpapasimula sa pagsasama-sama sa mahigit 3,000 kadete-atleta para sa nakatayang medalya at magkuwalipika sa 2023 Reserves Officer Training Corps (ROTC) Games

National Finals na gaganapin simula Oktubre 22 hanggang 27 sa Marikina City.