Obrero sinundo ni Kamatayan dahil umihi

27 Views

KALUNUS-lunos ang sinapit ng 37-anyos na construction worker ng magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ng mahulog habang umiihi sa 3rd floor ng ginagawang building sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City noong Miyerkules.

Batay sa pagsisiyasat ni PSSg Remcel Jugarap ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nahulog ang obrero dakong alas-10:45 ng gabi mula sa 3rd floor ng construction site sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Nag-iinuman sa construction site ang biktima kasama ang ilang katrabaho ng tumayo para umihi.

Dala ng kalasingan, nahulog ang biktima at lumagapak sa ground floor.

Idineklarang dead-on-arrival sa isang ospital ang biktima.