Unang Kadiwa outlet sa Bicol kumita ng P1.2M

187 Views

KUMITA ng P1.2 milyon ang kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo outlet sa Bicol region sa loob ng dalawang araw.

Ayon sa Malacañang, kumita ang mga tindahan sa Kadiwa ng P431,162 sa unang araw at P780,912 sa ikalawang araw.

Inilungsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sangay ng Kadiwa sa Pili, Camarines Sur noong Huwebes.

Mahigit 500 Kadiwa outlet na ang binubuksan ni Marcos mula noong nakaraang taon.

Layunin ng programa na magkaroon ng lugar na pagtitindahan ang mga magsasaka at mangingisda kung saan maaaring makabili ng iba’t ibang produkto sa mas murang halaga ang publiko.