Gerald

Usap-usapan sa socmed: Gerald, Julia nagpakassal sa US?

Vinia Vivar Aug 9, 2024
47 Views

Usap-usapan ngayon sa social media na nagpakasal na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa US.

Ang JuRald kasi ang hula ng netizens sa blind item na lumabas sa isang showbiz blog tungkol sa magdyowang nagpakasal sa ibang bansa.

Ayon sa blind item, ang aktor ay may mga negosyo nang naipundar bilang paghahanda sa future ng magiging pamilya.

Nakasaad din na gwapo ang aktor kaya naman hindi ito nawawalan ng karelasyon. Pero simula nang maging girlfriend nito si girl ay tumino ito at wala nang na-link na iba pang babae.

Almost perfect daw ang relasyon ng dalawa at laging nagsusuportahan sa kanilang sa mga ginagawa ang bawat isa. Maging ang pamilya raw nila ay tanggap ang isa’t isa.

Kaya naman nagpakasal na raw nang lihim ang dalawa sa ibang bansa kamakailan at hindi pa lang ito napapabalita pa.

Dahil sa mga clue na nasa blind item, isang netizen ang nagbahagi ng artikulo sa Reddit at aniya, sina Julia at Gerald ang tinutukoy at ang ibang bansa na sinasabi ay sa Amerika.

“Kaya siguro wapakels na si Gerald sa comeback project ng Joshlia and wala na ring chemistry ang Joshlia,” komento pa ng netizen.

Nagsipag-react naman ang fans sa post at marami ang sumegunda na sina Gerald at Julia nga ang blind item.

“Dati pa sinasabi ni julia na gusto na nya magpakasal,” komento ng isang netizen.

“Kaya pala kasama ni Julia Barretto buong family last US trip nila ni Gerald. Congratulations kung totoo!!! At least sa US, may divorce, char!!!,” sey naman ng isa pa.

“I think deserve nila kasi nakikita naman nating sinusupport nila ang isa’t isa. Yung parang di nila need na laging magkasama pero we can feel the love. Ganern,” anang isa pa.

May mga netizen din naman na hindi kumbinsido na sina Julia at Gerald ito at ibang couple naman ang hula nila.

Well, let’s see kung ano ang masasabi ng JuRald tungkol dito.