USS

USS Makin Island nasa PH para sa Balikatan

252 Views

NAKADAONG ang USS Makin Island (LHD 8) ng Estados Unidos sa Manila South Harbor, Pier 15 (Berths 4 at 5) bilang bahagi ng isasagawang Balikatan Exercises.

Ang USS Makin Island ay isang Wasp-class Amphibious Assault Ship at ikinokonsidera na isang Small Air-Craft Carrier.

Lulan ng naturang navy vessel ang mahigit na 2,457 na U.S. Military Personnel.

Ang naturang barko ay bahagi ng mga US Navy Asset na kalahok sa 2023 Balikatan Military Exercises na ginaganap sa San Antonio, Zambales.

Ang Balikatan ay ang pinakamalaking taunang pagsasanay ng mga militar ng Pilipinas at Estados Unidos at nagbibigay ng pagkakataon para sa dalawang bansa na pahusayin ang kooperasyon at dagdagan ang mga kakahayan ng mga sundalo sa pagtatanggol sa alyansa.