DLSU Sa pagbuhos ng ulan, mabunyi sina DLSU’s Justine Jazareno at Jolina dela Cruz laban sa AdU. UAAP photo

UST winalis ang FEU, UP sa beach volleyball

Theodore Jurado Nov 20, 2022
391 Views

BINUKSAN ng University of Santo Tomas ang kanilang kampanya para sa isa na namang golden double ng maganda sa UAAP beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.

Nalusutan nina Tigresses’ reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor ang matinding hamon mula kina Far Eastern University’s Gerzel Petallo at Melody Pons sa extended opening set bago nakuha ang 23-21, 21-17 tagumpay.

Matagumpay rin sina Barbon at Eslapor sa maulang afternoon session – ang 21-10, 21-13 paggapi kina University of the Philippines’ Euri Eslapor at Alyssa Bertolano para sa 2-0 record.

Hindi nagpasapaw sina Growling Tigers’ Jaron Requinton at Rancel Varga, na magaan na dinispatsa sina La Salle’s Noel Kampton at Vince Maglinao, 21-12, 21-15, at Ateneo’s Jian Salarzon at Amil Pacinio, 21-12, 21-18, upang umangat sa 2-0.

Ang pinakamatagumpay na beach volleyball program sa liga, target ng Tigresses ang ikawalong titulo habang hangad naman ng Growling Tigers ang ikapitong kampeonato.

“Sobrang saya na nakabalik kami ulit. After two years, nakapaglaro kami ulit sa MoA (sand court),” sabi ni Barbon. “Yung mga pinalaro ng ibang school, hindi basta-basta. Kumbaga sila ang bagong hinog talaga.”

Maganda rin ang simula ng La Salle, runners-up sa UST sa huling kompetisyon ng liga noong 2019, matapos gapiin sina Ateneo’s Pia Ildefonso and Ysa Nisperos, 21-8, 21-15, at Adamson’s Mary Grace Borromeo and Aliah Marce, 21-16, 21-7. Nagposte rin ang Lady Spikers ng kanilang ikalawang sunod na tagumpay.

Nalusutan ng NU, ang last’s season’s second placers sa men’s, ang mga nakakakot na sandali matapos humabol sina James Buytrago and Pol Salvador sa second set loss upang talunin sina UP’s Dan Nicolas and Erl Eusebio, 21-16, 21-23, 15-11.

Napalaban rin sina Buytrago at Salvador kina FEU’s Vincent Nadera at Michael Bugaoan bago kunin ang ikalawang sunod na panalo, 15-21, 21-19, 16-14.