UV Express driver na nakapatay sa QC positibo sa droga

321 Views

LALONG sumama ang tayo ng UV Express driver na nang-araro ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City na nakapatay ng 1 dahil positibo sa drug test ang driver, ayon sa pulisya noong Biyernes.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Col. Randy Glenn Silvio, lumabas na positibo sa shabu ang suspek na si Ruel dela Cerna, 54, sa isinagawang laboratory test ng kanilang Forensic Unit.

Si De la Cerna ay nahaharap sa mga kasong murder, frustrated murder, malicious mischief, pag-abandona sa biktima at resistance and disobedience to a person in authority.

Mahaharap din si Dela Cerna sa mga kaso para sa paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act. Binawi na ng Land Transportation Office ang lisensiya ng UV Express driver.

Isa ang nasawi at marami ang nasugatan nang araruhin ng minamanehong UV Express ni De la Cerna ang 14 na sasakyan sa Commonwealth Avenue noong nakaraang Biyernes.