Karlo Nograles

Vaccination certificate ng 4 bansa kinikilala na sa Pinas

482 Views

KINIKILALA na ng Pilipinas ang mga vaccination certificate na ibinigay sa apat na bansa bilang katibayan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Inaprubahan ng IATF ang recommendation ng DFA na kilalanin ang mga national COVID-19 vaccination certificate ng Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste,” sabi ni Nograles.

Ang mga vaccination certificate na bigay ng mga nabanggit na bansa ay magagamit umano para sa arrival at quarantine protocols gayundin sa interzonal at intrazonal movement.