Department of Health

COVID-19 UPDATE: Aktibong kaso bumaba sa 96k

175 Views

MAS mababa na sa 100,000 mark ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkoles nasa 96,326 ang aktibong kaso ng bansa.

Nakapagtala ng 3,651 bagong kaso at 12,834 naman ang gumaling. Mayroong 69 na nadagdag sa bilang ng pumanaw.

Sa kabuuan ay 2,623,176 na ang kabuuang bilang ng mga nahawa sa bansa. Sa bilang na ito 3,472,160) na ang gumaling, at 54,690 ang namatay.Ni MELNIE RAGASA-JIMENA