Valeriano1

Valeriano binatikos vloggers, trolls laban kay Mayor Honey Lacuna

Mar Rodriguez Dec 12, 2024
29 Views

MARIING binatikos ni Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano ang paghahasik ng mga kasinungalingan at fake news ng mga bayarang vloggers at trolls laban kay Manila Mayor Dra. Honey Lacuna sa pamamagitan ng mga ipinupukol nilang pangungutya, panglilibak at iba pang mga mapanirang pahayag.

Binigyang linaw ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang mga kumakalat sa social media na maling impormasyon at mga paninirang puri laban kay Mayor Lacuna. Kinukwestyon umano ang pagiging espesyalita o doktor nito.

Ayon kay Valeriano, taong 1992 pa naging doktor si Lacuna kung saan ay mahigit tatlong-pung taon aniya itong naging lisensiyadong doktor taliwas sa maling impormasyon o fake news na ipinapakalat ng mga bayarang vloggers at trolls.

Pagdidiin ni Valeriano na ang ilan sa mga paninirang ginagawa ng mga bayarang vloggers at trolls ay ang pangungutya laban kay Lacuna na isa lamang itong espesyalitang doktor sa balat gayong isa rin siyang doktor na general practioner sa larangan ng public health.

Sinabi pa ng kongresista na hindi lamang ordinaryong dermatologist si Lacuna sapagkat nag-aral pa siya ng karagdagang tatlong taon at pumasa sa dermatology board exam upang maging ganap at lisensiyadong dematologist.

“Nakarating sa ating kaalaman na mayroong mga nagmamarunong na bayarang vloggers at trolls na minamaliit at kinukutya ang pagiging espesyalistang doktor sa balat ni Mayor Honey Lacuna. Kabisado ni Mayor Lacuna ang pagiging general practioner sa larangan ng public health at naglingkod siya sa Ospital ng Maynila, Manila Health Department at City Social Welfare Department,” paliwanag nito.

Dahil dito, pinayuhan ni Valeriano ang mga naturang vloggers at trolls na bago aniya sila mag-post ng mga fake news sa social media ay mas makabubuting pag-aralan muna nilang mabuti ang issue upang hindi umano sila magmukhang ignorante.