Valeriano

Valeriano Humanga sa loyalty ni VM Yul Servo kay Mayor Honey Lacuna

Mar Rodriguez Aug 23, 2024
65 Views

๐—•๐—จ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—• ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ-๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—ฌ๐˜‚๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐——๐—ฟ๐—ฎ. ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜† ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฐ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฐ๐˜‚๐—ป๐—ฎ.

Ikinuwento ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, sa People’s Taliba na kamakailan lamang ay nilapitan umano si Vice-Mayor Servo ng isang kilalang politiko at alukin ito mismo ng tinatayang nasa “nine digit cash” kapalit ng pagtalikod o paglalaglag nito kay Lacuna. Kasunod ang pagpayag ni Servo na maging katandem nito sa kaniyang kandidatura bilang Mayor sa kanilang lugar.

Dahil dito, ipinahayag ni Valeriano ang kaniyang pagpuri para kay Serbo dahil sa pambihirang “loyalty” na ipinamalas nito sapakat hindi siya nagpadala at nagpatinag sa pressure at tukso ng malaking halaga ng salapi na inaalok ng kabilang kampo. Sa halip ay mas pinili parin nitong manatili sa poder ni Lacuna.

Pagdidiin pa ni Valeriano na kung tutuusin ay hindi kayang tapatan ng salapi gaano man ito kalaki ang solidong samahan nila nina Lacuna at Servo kabilang na ang iba pang politiko sa Maynila na nananatiling loyal sa nasabing City Mayor dahil malaki ang kanilang tiwala sa magandang pamamalakad nito sa Lungsod ng Maynila.

Sa pagtataya ni Valeriano, mistulang nasisiraan na ng loob o desperado na aniya ang grupong nagnanais agawin ang kasalukuyang pamamahala sa Maynila sapagkat kinakailangan na nilang gumawa ng isang maruming pamamaraan o estratehiya sa pamamagitan ng pag-aalok ng napakalaking halaga ng salapi kapalit ng gagawing pagta-traydor ni Vice-Mayor Servo kay Lacuna.

Ayon sa kongresista, dahil umano sa kanilang “maitim na hangarin” ay nakahanda silang gawin ang lahat ng maruming pamamaraan para lamang makuha nila ang simpatya at suporta ng mga taga-Maynila.

“Nang dahil sa kanilang maitim na hangarin lahat ay tatapakan nila kahit na ang isang Manileรฑo na kumakalinga sa mga taga-Maynila. Walang iwanan. Iyan ang aming paniniwala,” sabi ni Valeriano.