Hon. Valeriano

Valeriano optimistiko na hahakot ng multimilyong piso ang bagong NAIA

Mar Rodriguez Mar 23, 2024
136 Views

OPTIMISTIKO ang isang Metro Manila congressman na hahakot ng multi-milyong piso ang ekonomiya ng bansa kapag matapos na ang reconstruction at refurbishing ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang gateway ng Pilipinas sa international tourism at trade o kalakalan.

Nauna rito, ipinahayag ng mga kongresista na mabubura ang masamang imahe ng surot, daga, at tanim-bala sa NAIA kapag pinangasiwaan na ng SMC consortium ang nasabing international airport. Kung saa, maituturing na “blessing” ang pagpasok ng SMC consortium sa NAIA.

Sinabi ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na kakailangan ng malaking pagbabago sa NAIA upang mabura sa isipan ng mamamamayan ang mga kontrobersyang kinasangkutan ng NAIA kabilang na ang pananalanta ng mga ipis, daga at surot na nakaapekto sa napakaraming pasahero.

Ipinaliwanag ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na panahon na para mailunsad ang rehabilitation o kaya ay ang reconstruction ng NAIA na nagsisilbing gateway ng Pilipinas sa international tourism at trade na magiging malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa.

Aminado ang kongresista na sa kasalukuyan ay nahihirapan ang gobyerno na pasimulan ang renovation o reconstruction ng NAIA dahil narin sa kakulangan ng sapat na pondo para mailunsad ang nasabing proyekto kaya naaangkop lamang na ang San Miguel Corporation ang humawak sa NAIA.

“It’s high time we rehabilitate NAIA our gateway to international tourism and trade. This is something our government cannot do on its own. This has to modernize and be more secured, the San Miguel Corporation is capable and willing to take the cudgels, even yielding a high income share with the government,” ayon kay Valeriano.

Ayon naman kay Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel D. Almario ang paliparan ay maituturing na isang “subconscious benchmark” ng isang bansa.