Valeriano

Valeriano saludo sa pagkilos ng PNP vs mga pulis na sangkot sa illegal na droga

Mar Rodriguez Jan 16, 2024
138 Views

PINAPURIHAN ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang naging pagkilos ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga tiwaling kabaro nila na sangkot sa illegal na droga at iba pang iregularidad.

Sinabi ni Valeriano na kahanga-hanga ang ginawa ng PNP sa pamamagitan ng National Capitol Region Police Office (NCRPO) matapos nitong sibakin sa puwesto ang apat na pulis na hinihinalang sangkot sa illegal na droga makaraan silang mag-positibo sa isinagawang random drug test.

Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na ipinakita lamang aniya ng PNP na seryoso silang linisin ang kanilang hanay laban sa mga tiwaling kabaro nila na sumisira sa magandang imahe ng Kapulisan. Kasunod na rin ng pagpapatupad ng tinatawag na “internal cleansing” para linisin ang hanay ng PNP.

“The PNP leadership is commendable for its stand against illegal drugs and those involved in this crime among their ranks. The police scalawags have no place in the PNP organization much less to be entrusted with authority to carry arms. Panahon na para linisin ang hanay ng PNP,” ayon kay Valeriano.

Ipinaliwanag ng kongresista na bagama’t marami parin matitinong pulis sa hanap ng PNP at kakaunti lamang ang mga gumagawa ng iregularidad. Subalit sinabi ni Valeriano na malawak at luhbang nakakasira sa imahe ng Kapulusan ang batik at masamang reputasyon na idinulot ng mga police scalawags.

Kinakatigan din ni Valeriano ang naging pahayag ng liderato ng PNP na uubusin nila ang mga tiwaling pulis sa kanilang hanay. Kung saan, ipinahayag ng mababatas na ang aksiyon ng PNP ay nagpapakita lamang na hindi nila kino-kunsinte ang katiwaliang kinasasangkutan ng kanilang mga kapwa pulis.

“Kakaunti lamang ang mga tiwaling pulis sa PNP. Ngunit malawak ang bahid na idinulot ng mga police scalawags. Tunay na dapat talagang ubusin ng PNP ang mga scalawags sa hanay ng PNP dahil sila ang sumisira sa magandang imahe ng PNP, tanggalin dapat ang mgga tiwaling pulis,” sabi pa ni Valeriano.