Mendoza

Validity ng lisensya pinalawig ng LTO

Jun I Legaspi Sep 9, 2023
379 Views

PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensya sa pagmamaneho na nag-expire noong Abril 3, 2023 hanggang sa kasalukuyan ng isang taon.

Kasabay nito, sinabi ni LTO chief Atty. Vigor D. Mendoza II na inalis na ng Quezon City Regional Trial Court ang temporary restraining order na ipinataw nito laban sa delivery ng mga plastic card na binili ng ahensya.

Nakatanggap na umano ang LTO ng 200,000 plastic card kung saan iniimprenta ang lisensya.

Sinabi ni Mendoza na prayoridad na mabigyan ng plastic card na lisensya ang mga papaalis na overseas Filipino workers.

Ang mga nais umanong mag-renew ay maaaring pumunta sa mga tanggapan ng LTO subalit ang kanilang makukuha ay resibo na mayroong validity stamp.

Kumpiyansa naman si Mendoza na mauubos din ang backlog sa inaasahang pagdami ng suplay ng mga card.

Ipinaalala naman ni Mendoza sa publiko na maaari ng makakuha ng Electronic Driver’s Licenses sa pamamagitan ng LTMS portal.