Vargas

Vargas nagbabala vs tiwaling dayuhan na nakakapuslit papasok ng bansa

Mar Rodriguez Oct 23, 2023
179 Views

NAGBABALA si House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas sa pamahalaan laban sa mga tiwaling foreign individuals na pumupuslit papasok ng bansa sa pamamagitan ng mga valid Philippine passports sa kabila ng pagiging mga peke o non-bonafide Filipino citizens.

Ipinahayag ni Vargas na mismong ang Bureau of Immigration (BI) ang nagsiwalat sa kaso ng mga foreign individuals na nagagawang makapuslit papasok ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga genuine Philippine passports subalit ang kanilang status ay non-bonafide Filipino citizens.

Dahil dito, binigyang diin ni Vargas na kinakailangang mas maging mahigpit ang gobyerno sa pamamagitan ng “tighter security measures” upang masagkaan ang paglaganap ng tinatawag na “fraudulent acquired passports” o mga pasaporteng nakuha sa illegal pamamaraan na gagamitin naman ng mga illegal aliens o mga dayuhang illegal na nakapasok sa Pilipinas.

“Our country needs tighter security measures to prevent the rise of fraudulently acquired passports which are being used by illegal alients to move around internationally. While we can consider it an accomplishment to seize these illegal aliens. The main goal should be a deter them from even trying to acquire legal Philippine passports,” ayon kay Vargas.

Sinabi din ni Vargas na siya ang pangunahing may akda ng House Bill No. 6510 o ang “New Philippine Passport Act”. Subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin aniya naisasagawa ang “updating” sa passport law sa loob ng dalawang-put limang (25) taon na nangangailangan ng mga bagong polisya.

“The bill which has been passed on the third reading for both the lower and upper Houses, is a priority measure for the 19th Congress that aims to pave the way for a more secure, stringent and streamlined passport application process,” sabi pa ng House Deputy Majority Leader.