Calendar
Velasco: Hingin ang gabay ng Diyos sa pagboto sa Mayo
KASABAY ng pagdiriwang ng “Easter Sunday” o “Pasko ng Pagkabuhay”, nanawagan si House Speaker Lord Allan Velasco sa mamamayan na hingin nila ang gabay ng Diyos para magkaroon sila ng tamang huwisyo at desisyon sa gagawin nilang pagboto para sa mga susunod na lider ng bansa sa Mayo 9.
Sinabi ni Velasco na napakahalaga ng gagawing botohan sa darating na Mayo 9 sapagkat dito pipiliin kung sino ang mga karapat-dapat mamuno sa ating bansa.
Kung kaya’t ipinaliwanag ng mambabatas na kailangan na maging maingat ang taongbayan sa pagboto nila ng mga lider na mamamahala sa ating pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Velasco na kailangang maunawaan ng mamamayan na hindi dapat lamang nila pagbabatayan ang papularidad ng isang kandidato kundi ang kakayahan nitong pamunuan ang bansa at maiangat ang kalagayan bawat Pilipino.
“With only less than a month before the general elections. Let us seek God’s guidance in order for us to make the right decision to vote for leaders who genuinely care for the country and will effectively lead us on the path of recovery,” sabi ni Velasco.