Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Vergeiri

Vergeire itinalagang hepe ng NVOC

322 Views

ITINALAGA si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang hepe ng National Vaccination Operations Center (NVOC).

Ayon sa Department of Health (DOH), itinalaga ni Secretary Francisco Duque III si Vergeire bilang kapalit ni outgoing NVOC chairperson Myrna Cabotaje na matatapos ang termino sa Hunyo 30.

Layunin ng pagtatalaga kay Vergeire na matiyak na magpapatuloy ang COVID-19 vaccination program habang naghahanda ang papasok na administrasyon.

Nilinaw naman ni Vergeire na maaari itong magbago depende sa magiging bagong pamunuan ng DOH.