Vice

Vice, walang pakialam kung tawaging ‘he’ o ‘she’

Vinia Vivar Jun 2, 2022
282 Views

Kung ang ibang miyembro ng LGBTQ community ay partikular sa kung paano sila ia-address ng mga tao – kung “he” ba o “she,” ayon kay Vice Ganda, wala siyang problema kahit ano ang itawag sa kanya.

“Actually, marami nga laging nagtatalo kung paano nila ako ia-address, kung ‘sir’ or ‘ma’am,’ kung ‘he’ or ‘she.’ Ako kasi deds (dedma) ako, hindi ako naaano… pero ‘yung iba, kailangan mong tanungin,” sey ni Vice sa isang episode ng It’s Showtime.

Mas maganda raw kung tanungin muna ang isang tao kung paano nito gustong i-address – kung “sir” or “ma’am” dahil nga mahirap ding magbase sa hitsura lang.

“May mga pronoun na ‘yung iba, dini-demand talaga na, ‘Ibigay mo sa amin ang pronoun na ‘yun.’ ‘Yung ganu’n. Yung ‘she,’ ‘her,’ ‘he,’ ‘his.’ ‘Yung ganu’n,” ani Vice.

Nabanggit na rin ni Vice last year na itinuturing niya ang sarili na isang “non-binary” na ang ibig sabihin, “his gender does not fall into the traditional categories of man or woman,” according to the US National Center for Transgender Equality.

“Kahit sa mga article, kapag ini-interview ako, ‘Ano pong pronoun ang gusto niyong gamitin sa inyo — she po ba or he?’ Ako, personally, sasabihin ko, I don’t really mind. Kung ano pong gusto niyo. Hindi ako mao-offend kung gamitan niyo ako ng ‘he’ or ‘she.’

“Pero, ako iyon. May mga tao na definite sila kung ano’ng pronoun ang gustong gamitin sa kanila. Kaya it’s better that you ask, kasi not everyone is identifying themselves as part of the binary gender,” paliwanag ni Vice.

BITTERSWEET FINALE

Sa 15 years ni Rhian Ramos sa showbiz, ever since ay nasa GMA-7 na siya at never niya naisip na umalis or lumipat ng network.

“Kasi, I think, I entered GMA, I was 15, so I was so young and that’s why, it really does feel like a family to me, kasi a lot of the executives and a lot of the people that I met there, I met when I was so young and they would help me and guide me and understand me,” pahayag ni Rhian in her latest online interview.

“Tapos, as much as possible, I just try to be honest na ‘eto ‘yung nararamdaman ko. Kunyari, if I’m tired, sinasabi ko lang na ‘ah pagod po ako, and then, parang I just have faith na even if negosyo ito, may makakaintindi sa akin dahil mga tao naman tayong lahat. And instead of saying na ‘ay pagod na ako, quit na ako,’ hindi ganun,” dagdag pa ng lead star ng Artikulo 247.

Kapag napapagod na siya ay magre-recharge lang daw siya at maayos naman daw ang mga pag-uusap nila.

Marami-rami nang nagawang projects si Rhian sa GMA-7 at ito ngang latest ay Aritikulo 247 na magtatapos na ngayong Friday.

Kahit matagal na nilang natapos ang lock-in taping ng serye, ayon kay Rhian ay bittersweet pa rin ang pakiramdam sa tuwing magtatapos ang isang show.

“Siyempre, masaya kami kasi magiging full circle na ‘yung kwento namin saka thankful kami sa lahat ng fans na nanonood,” aniya.

“But at the same time, nakita namin ‘yung produkto na pinaghirapan namin for two months. And wala, I mean, I can say I’m proud of it na ano, talagang pinaganda ni Direk ‘yung mga moments.

Binigyan niya ng sarili niyang style at atake ‘yung script. Parang kahit ‘yung goal namin was to be parang animated, campy ‘yung bawat character, parang ‘yung pagka-shoot though was done in such a classy way. So, ayun, nakakatuwa,” sey ni Rhian.