Villar

Villar isinulong libreng medical services, hospitalization  sa mga maralitang kababaihan

Mar Rodriguez Oct 24, 2022
241 Views

IMINUMUNGKAHI ngayon ng isang Metro Manila congresswoman na mapagkalooban ng libreng medical at hospitalization ang mga mahihirap na kababaihan na nakapaloob sa panukalang batas na isinulong nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inihain ni Las Pinas Lone Dist. Cong. Camille Aguilar Villar ang House Bill  5243 sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng libreng medical kabilang na ang hospitalization ng mga pobreng kababaihan na may mga iniindang karamdaman.

Tinukoy ni Villar ang ilan sa mga karamdaman tulad ng cáncer of the reproductive organ, cancer of the breast at panganganak o pregnancy-related illness. Kabilang na aniya dito ang iba pang sakit bunga ng karahasan o “inflicted by violence”. 

“Granting free medical treatment and hospitalization benefits to indigent women is in consonance with the Constitutional provisions that recognize the need for such facilities and opportunities that will enhance their welfare and enable them to realize their full potential,” ayon kay Villar.

Sinabi din ng kongresista na isang “special ward” sa isang provincial at district hospital ang kinakailangang ilaan o ihanda para sa mga indigent na kakaihan na walang kakayahang tustusan ang mga gastusin sa kanilang pagpapa-ospital kabilang na ang mga gamot.

Ipinaliwanag pa ni Villar na upang makakuha ng libreng medical at hospitalization ang isang mahirap na kababaihan. Kailangan aniyang mag-secure o magpakita ito ng certification mula sa Social Service department na magpapatunay na siya ay isang indigent.