DOH

11,995 dagdag kaso ng COVID noong nakaraang linggo

119 Views

UMABOT sa 11,995 ang bilang ng nadagdag sa mga nahawa ng COVID-19 mula Oktobre 17 hanggang 23.

Ayon sa Department of Health ito ay mas mababa ng 22 porsyento kumpara sa naitala noong Oktobre 10 hanggang 16.

Mayroon namang nadagdag na 272 sa bilang ng mga nasawi kung saan 26 ang nangyari mula Oktobre 10 hanggang 23. Ang iba ay namatay noong Setyembre 2022 (3), Agosto 2022 (3), Enero 2022 (1), Agosto 2021 (186), Hulyo 2021 (14), Mayo 2021 (19), at Abril 2021 (18) at hindi lamang kaagad na iulat sa DOH.

Umakyat naman sa 73,482,574 ang mga Pilipino na fully-vaccinated na samantalang 20,472,983 ang nakapagpa-booster shot na.