Calendar

Villar nakuha suporta, endorsement ng mga local officials ng Iloilo City
SA PAGSISIMULA ng kampanya para sa mga lokal na posisyon. Nakuka naman ni House Deputy Speaker at Nationalista Party (NP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang supporta at endorsement ng mga local officials ng Iloilo City.
Sa kaniyang mensahe sa harap ng libo-libong mamamayan ng Iloilo City kaugnay sa “kick-off rally” ng Team Uswag sa Iloilo Freedom Grandstand, pinasalamatan ni Villar si Mayor Jerry Trenas kabilang na ang iba pang lokal na opisyal ng lalawigan.
Para naman kay Villar, ipinangako nito na hindi niya bibiguin ang mga Ilonggo at sisikapin nitong isulong sa Senado ang kaniyang commitment na makapagbigay ng livelihood, magkaroon ng maraming trabaho at programa para sa mga kababaihan.
Sabi ni Villar na bago pa man siyang sumabak sa 2025 mid-term elections ay isinusulong na nito ang mga programa at proyekto para matulungan ang mga mahihirap na mamamayan partikular na ang pagtataguyod ng kabuhayan at pabahay para sa mga Pilipino.
“Noon pa man, isinusulong ko na po ang mga batas na magtataguyod ng kabuhayan, magbibigay ng trabaho, magpapaabot ng pangarap na bahay para sa mga Pilipiono. Ipagpapatuloy ko Iyan sakaling tayo ay papalaring mahalal sa Senado,” wika nito.
Ipinahayag ni Villar na sisikapin din nitong maging boses ng mamamayan sa Senado para matugunan ang pangunahing pangangailan ng mga Pilipino tulad ng trabaho, livelihood at murang pabahay program para naman sa mga walang maayos na tahanan.
“Ako po ang magiging bagong boses Niyo sa Senado ng sa Gayon ay matugunan natin ang mga pangunahing problema ng ating mga kababayan at bawat pamilyang Pilipino,” sabi pa ni Villar.
Kasabay nito, nakuha rin ni Villar ang endorsement at suporta naman ng mga lokal na opisyal ng Malabon City sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at mister nitong si dating Malabon City Rep. Ricky Sandoval.