Rep. Villar

Villar optimistiko na lalong lalago ang bangus industry ng Pangasinan

Mar Rodriguez May 3, 2025
61 Views

Rep. Villar Rep. Villar Rep. VillarWISH ko lang.

Ninanais ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar na patuloy na maging maunlad at sagana ang industriya ng bangus sa Pangasinan sa mga darating na panahon.

Gayunman, ipinahayag ni Villar ang kaniyang optimistikong pananaw na lalong maghahatid ng pag-unlad sa ekonomiya ng nasabing lalawigan ang lumalagong bangus industry bunsod ng mayamang aquaculture ng Pangasinan.

Ang naging pahayag ng kongresista ay kaugnay sa ginawa nitong pagdalo “Bangus Festival” sa naturang lalawigan. Kung saan namangha siya sa iba’t-ibang laki ng mga bangus na ipinarada sa lansangan sa kasagsagan ng selebrasyon.

Tiniyak din ni Villar na ipagpapatuloy nito ang pagsuporta at pagtulong sa sektor ng mga mangingisda at agrikultura na siyang pinagmumulan ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Pangasinan.

To God be the Glory