Villar

Villar tiniyak na mabibigay basic services para sa taga-Dasmariñas, Cavite

Mar Rodriguez May 6, 2025
17 Views

Villar1TINIYAK ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar na sisikapin nitong maibigay ang mga basic services para sa libo-libong mamamayan ng Dasmariñas, Cavite.

Ito ay matapos makuha ni Villar ang buong suporta ni Dasmariñas Mayor Jennifer Barzaga para sa kaniyang kandidatura, habang binigyang diin naman ng Alkalde ang mga kontribusyon at tulong na naibigay ng kongresista sa mga nakalipas na panahon para sa naging pag-unlad ng nasabing Siyudad.

Hinikayat naman ni Barzaga ang kaniyang mga constituents na suportahan nila si Villar matapos nitong ihayag sa harap ng tinatayang 12,000 residente ng Dasmariñas ang mga tulong na naibigay ng Las Piñas Lady solon para sa kanilang Siyudad lalo na ang mga proyekto at infrastructurs development.

“Ngayon kasama po natin ang isa sa aking sinusuportahan dahil mula noon hanggang ngayon marami po silang nagawang proyekto dito sa Dasmariñas at isa po siya sa mga nakapagbigay ng solusyon sa ating mga problema dito sa Dasmariñas,” sabi ni Mayor Barzaga.

Ipinagmalaki din ni Villar na ang kaniyang pamilya at ang mga Barzaga ay magkatuwang sa pagsusulong ng pag-unlad at pagbabago sa Dasmariñas.