MPBL Pasay-Biñan encounter sa MPBL.

Voyagers, Victoria bumawi

Robert Andaya May 31, 2024
164 Views

ISINANTABI ng Pasay Voyagers ang nakalipas na kabiguan upang talunin ang Biñan, 76-65, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa WES Arena sa Valenzuela City.

Sa tulong ng 20 points, nine assists at eight rebounds ni Laurenz Victoria at 13 points, five assists at three rebounds ni Patrick Sleat, umarangkada ang Voyagers sa 74-59 kalamangan bago itala ang kanilang ika-anim na panalo laban sa apat na talo.

Nakatulong nila sina Keanu Caballero, na may nine points, five assists at four rebounds, at Warren Bonifacio, na may seven points at nine rebounds para sa Pasay, na nakatikim ng 88-96 kabiguan sa kamay ng Mindoro Tamaraws nung May 25.

Nanguna si Jaymar Gimpayan sa kanyang 11 points at nine rebounds para sa Biñan, na natalo sa ika-dalawang sunod na laro matapos ang anim na dikit na panalo.

Ang kanilang masamang free throw at three-point shootang ang sinisisi sa panibagong pagkatalo ng Biñan, na may 6 of 13 shooting lamang mula 15-foot line at mas mababang 5-of-24 mula long range.

Ang MPBL, na tinatawag ding “Liga ng Bawat Pilipino”, ay dadayo sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Tatampukan ang triple bill ng mga laro ng Imus at Iloilo simula 4 p.m., Quezon City at South Cotabato sa 6 p.m. at Pangasinan at Parañaque sa 8 p.m.

Ang PBA legend na si Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.

The scores:

Pasay (76) — Victoria 20, Sleat 13, Caballero 9, Bonifacio 7, Inigo 7, Coronel 7, Salenga 5, Tabi 3, Ramirez 3, Reverente 2, Sienes 0, Aguirre 0, Chan 0, Hilario 0, Lustina 0.
Biñan (65) — Gimpayan 11, Mangahas 8, Estrada 8, Grey 7, Maestre 7, Manalang 5, Pido 5, Chan 4, Helterbrand 3, Penaredondo 2, Alabanza 2, Anonuevo 0, Alonte 0, Rocacurva 0.
Quarterscores: 18-16, 31-37, 54-50, 76-65.