Sara

VP Sara: DepEd gumagawa ng hakbang upang magtatapos ng K to 12 maging employable

Arlene Rivera Jan 31, 2023
278 Views

SINIGURO ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na gumagawa ang Department of Education (DepEd) ng mga hakbang upang maging employable ang mga K to 12 curriculum graduates.

Sinabi ni Duterte na natukoy ng DepEd ang mga pagbabago na kailangang gawin sa kurikulum upang mas matututo ang mga estudyante at kanila itong magamit sa pagtatrabaho.

“We will make the curriculum relevant to produce competent, job-ready, active, and responsible citizens. We will revise the K to 12 curriculum to make them more responsive to our aspiration as a nation, to develop lifelong learners who are imbued with 21st-century skills, discipline, and patriotism,” ani Duterte. “The K to 12 curriculum promised to produce graduates that are employable. The promise remains a promise.”

Ayon kay Duterte ginawa ang K to 12 program upang makapasok na ng trabaho ang mga senior high school graduate at nananatili umano na ito pa tin ang target na maabot ng ahensya.

“We will improve English proficiency while recognizing linguistic diversity. We will work towards the goal of English language proficiency within the context of a multilingual nation,” sabi ng Bise Presidente.

“We will review the implementation of the Mother Tongue-based Multilingual Education Policy, guided by the basic principle that, among others, learners learn when taught in a language that they understand,” dagdag pa nito.

Palalakasin din umano ng DepEd ang values formation ng mga mag-aaral alinsunod sa Good Manners and Right Conduct and Values Education law.

Nakikipagtulungan din umano ang DepEd sa Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang industriya upang magkaroon ang mga estudyante ng kanilang kinakailangang skills sa ilalim ng Senior High School Program.