Calendar
VP Sara hindi puwedeng gamitin ang bank secrecy law para lang makaiwas sa imbestigasyon -Luistro
HINDI puwedeng kasangkapanin ni Vice President Sara Duterte ang “bank secrecy law” para harangin ang ikakasang pagsisiyasat at pagbusisi sa kaniyang bank record para lamang pagtakpan ang mga pinasok nitong illegal transactions, ayon kay Batangas 2nd Dist. Rep. Jerville “Jinky Bitrics” Luisto.
Binigyang diin ni Luistro, Chairman ng House Committee on Justice, na hindi maaaring magtago si VP Sara sa likod ng bank secrecy law para lamang idiskaril at pigilan ang nakaumang na imbestigasyon sa kaniyang mga bank record.
Dahil dito, iginiit ng Batangas Lady solon ang pananagutan sa bayan ay itinakda ng 1987 Philippine Constitution ay mas matimbang na halaga sa impeachment process.
Ang pahayag ni Luistro ay kaugnay sa kaniyang opening statement sa pagpapatuloy ng impeachment hearing kaugnay sa unexplained wealth ni Duterte sa kabila ng mga bagong pagsisikap para igiit sa Pangalawang Pangulo ang pagpapalabas ng kaniyang mga bank record mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Nilinaw ng kongresista na ang pangunahing layunin ng bank secrecy law ay ang mabigyan ng proteksiyon ang mga lehitimong bank deposits hindi ang pagtakpan o ikubli ang mga kahina-hinalang bank records na naglalaman ng bilyon-piso.
“Hindi nilkha ang bank secrecy law para maging Taguan ng hindimaipaliwanag na yaman. Ang layunin ng bank secrecy ay protektahan ang mga lehitimong deposito, hindi ang pagtakpan ang mga kahina-hinalang bilyon-piso,” wika ni Luistro.
Malinaw ang papel ng AMLC, ayon pa kay Luistro sa ilalim ng batas at hindi dapat baluktutin dahil lamang ang mga bak record na sinusuri ay hindi pumapabor sa usaping politikal dahil ang tungkulin umano ng AMLC ay siyasatin ang mga kahina-hinalang transaksiyon iulat ito sa kinauukulan para mailabas ang katotohanan.
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼

