Munsayac

VP Sara manghihiram ng damit na isusuot sa SONA

204 Views

HINDI matatapos sa oras ang ipinapagawang damit ni Vice President Sara Duterte kaya manghihiram na lamang ito ng kanyang isusuot sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay Atty. Reynold Munsayac hindi Filipiniana kundi isang tradisyonal na damit ng Bagobo Tagabawa tribe ang ipinagawa ni Duterte.

“Unfortunately, an entire ensemble would take over a month to make by tribal artisans, which will not make it on time for Monday’s SONA,” sabi ni Munsayac.

Manghihiram umano ng traditional dress ng mga Bagobo Tagabawa si Duterte kay Bae Sheirelle Anino, ang Deputy Mayor ng Tagabawa tribe sa Davao City.