Sara

VP Sara nanguna sa pamamahagi ng DSWD-AICS distribution sa Nueva Ecija

Steve A. Gosuico Oct 9, 2022
200 Views

PINANGUNAHAN ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng bagyong Karding sa Cabiao, Nueva Ecija.

Nakipag-partner ang Office of the Vice President (OVP) sa DSWD para mapalawak ang natutulungan ng social services ng gobyerno.

“Ang amin pong opisina ang opisina ng Vice President ay nakikidalamhati po sa inyong lahat na nabiktima ng bagyo,” sabi ni Duterte.

Binigyan-diin din ni Duterte ang kahalagahan na mapaghandaan ang mga bagyo at iba pang kalamidad.

“Alam nyo po sa ating bansa, hindi na po ito bago at hindi na po ito mawawala dahil ang atin pong bansa ay nasa lugar na dinadaanan talaga ng bagyo taon-taon. Kaya napakahalaga na maging resilient o handa tayo sa anumang sakuna,” dagdag pa ng ikalawang pangulo.