Lacuna

Walang convicted kriminal sa ‘min–Mayor Honey sa mga botante

Edd Reyes Mar 28, 2025
27 Views

BUMIRA na sa pangangampanya ang buong pwersa ng Asenso Manileño sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto noong Biyernes at deretsahang sinabi na walang convicted criminal sa kanilang slate.

“Dekalidad at respetado ang hanay ng ating mga pambato para sa Kongreso at sa Konseho.

We have a balanced mix of professionals, college graduates, exemplary public servants, competent managers and respected neighbors,” sabi ng alkalde sa simula ng kampanya sa Sampaloc, Manila.

Ayon pa kay Mayor Lacuna, iginagalang ng buong tiket ng Asenso Manileño ang mga botante sa Maynila kaya’t pumili sila ng mga kandidatong may mataas na kalidad na mapagkakatiwalaan sa pamamahala at makakatulong sa paghahanap ng solusyon sa problema.

“Asenso Manileño does not have convicted criminals. We do not have inexperienced trainees. We do not have masterminds of fake news on our slate.

Each candidate is our sign of respect to Manila voters. They are genuine people on a mission to make life in Manila better,” pahayag ng doktor na alkalde.

Nakikipag-ugnayan sa bawa’t pamilya ang alkalde para patunayan ang kanilang sinseridad at kakayahan, dala ang kanilang kanya-kanyang rekord ng pagganap, reputasyon at simpatiya.

“We will shake hands and talk with real Manila voters. We will not engage with trolls because trolls are fake and fictitious bayaran agitators.

We are Asenso Manileño, serving the capital city with honor, competence, and integrity. We are tapat at totoo,” pagdidiin ni Lacuna.