PhilHeatlh

Walang mababawas sa serbisyo ng PhilHealth

Chona Yu Dec 19, 2024
53 Views

WALANG mababawas sa serbisyo ng Philippine Health Insurance System (PhilHealth) sa bansa.

Pagtitiyak ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa pangamba ng publiko dahil sa walang inilaang pondo ang gobyerno para sa subsidiya sa Philhealth.

Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na sa katunayan, pararamihin at palalakihin pa ang serbisyong ibibigay ng PhilHealth.

Ayon sa Pangulo, isang ideya ang isinulong sa Kamara na suspendihin ang pagbabayad ng premium sa PhilHealth ng isang taon.

“It’s an idea. But this is just in response because of everybody’s…. Let me be very clear. I really wish sana naman iyong mga nagcocomment tungkol sa PhilHealth subsidy, pag-aralan ninyo ng mas malalim-lalim,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“At tingnan naman ninyo, at ito yung guarantee ko, napaka-simple lang ng guarantee ko. Kahit may subsidy, kahit walang subsidy, kahit anong contribution, all of these issues, hindi mababawasan ang serbisyo ng Philhealth. Hindi mababawasan ang bayad ng Philhealth sa insurance claim,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang umano ng kaliwat kanang batikos nang hindi bigyan ng pondo ng Kongreso ang subsidiya ng PhilHealth.

“In fact baliktad. Padadamihin pa naming ang serbisyong ibibigay ng Philhealth, pararamihin, palalakihin pa naming ang pagbayad sa insurance claims. So I would like to just assure everybody. Huwag nyong inaalaala na mababawasan ang serbisyo kahit na kanino,” pahayag ni Pangulong Marcos

“Para sa senior para sa mahirap, para sa middle class. Walang mababawasan kahit isang kusing. Quite the opposite. Dadagdagan natin yan in 2025, mas dadami pa ang magiging serbisyo na ibinibigay ng Philhealth, mas lalaki pa ang magiging payment na ibibigay sa insurance claim. Kaya huwag po kayong mag aalaala, walang mawawala sa serbisyo ng Philhealth. Mas pinapaganda pa nga naming ang pagpatakbo ng Philhealth para mas marami pang maibibigay sa taong bayan,” dagdag ng Pangulo.