Lindol

Walang nasaktan, walang inaasahang aftershocks sa 4.9 magnitude na lindol sa Davao del Norte

Zaida Delos Reyes May 19, 2025
14 Views

NIYANIG ng 4.9 magnitude na lindol ang Davao del nitong Lunes ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivols, naramdaman ang lindol dakong 11:41 ng umaga.

Ang sentro ng lindol ay matatagpuan sa Santo Tomas, Davao del Norte.

Ito ay may lalim na 47 kilometro at may tectonic na origin.

Naramdaman ang intensity ng lindol sa Santo Tomas, Davao del Norte; Don Carlos, Impasug-ong, Kadingilan, Kibawe, Manolo Fortich, Maramag at Quezon sa Bukidnon; Arakan, Kidapawan City, Magpet at President Roxas sa Cotabato.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa Banisilan, M’lang, Matalam at Tulunan sa Cotobato.

Nasa intensity 1 naman ang pagyanig sa Aleosan at Pikit sa Cotabato at Cotabato City.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa lindol at wala ding inaasahang aftershocks.