Darren espanto Larawan mula sa IG/@darrenespanto

Wish ni Darren kay AC Bonifacio: ‘Wag ka na umiyak masyado

156 Views

MAY hiling ang singer-actor na si Darren Espanto para sa kaarawan ng kanyang celebrity friend na si AC Bonifacio na huwag na itong maging iyakin.

Sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Disyembre 13, ibinahagi ni Darren ang mga larawan at videos ng mga nakatutuwang moments nila ni AC.

Kalakip ng nasabing mga larawan ang mensahe ng singer-actor para sa ika-21 kaarawan ng dancer-singer.

Sey ni Darren, marami mang napagdaanan, nanatili pa rin ang pagkakaibigan nila ni AC.

“A very Happy Birthday to my forever best friend, @acbonifacio! Our friendship has gone through a lot, and still… here we are,” wika ng singer-actor.

“Thank you for always being my one-call-away, literally, and even though you’re only 5 foot 3, you still find ways to lift me up,” pagpapatuloy pa niya.

Inalala rin ni Darren ang isyung kinasangkutan nilang dalawa.

Matatandaang inurirat sila na may relasyong mas malalim pa sa magkaibigan. Parehas naman nila itong pinabulaanan ayon sa mga panayam ng dalawa.

“People have made issues about our friendship and have questioned how close we truly are and honestly, I guess that just means they’ve never seen a best-friend tandem like ours. HAHA,” saad pa ni Darren.

“Sana sa 21st year ng buhay mo, ‘di ka na umiyak masyado. Sana masaya ka lang this year. Kahit minsan mali mga desisyon mo sa buhay, andito lang ako. Labyu, Bes!” aniya pa.

Na-touch naman ang mga netizens sa mensahe ni Darren para kay AC.

“Awww so sweet ni bestie Darren… San ba makakahanap ng isang bff na Darren.”

“Sarap makita na nasubaybayan namin friendship niyo since then till now. happy birthday, ack!!”

“Ahahahha Ang cuteee nyo besties!!”