Wong Nagbida si setter Deanna Wong para sa Choco Mucho. PVL photo

Wong energizer ng Choco Mucho

Theodore Jurado Apr 7, 2022
336 Views

PINADAPA ng Choco Mucho ang Cignal HD, 25-17, 25-21, 21-25, 25-22, upang makalapit sa kanilang kauna-unahang podium finish sa PVL Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.

“Everybody delivered even from the bench,” sabi ni coach Oliver Almadro matapos angkinin ng Flying Titans ang 1-0 series lead para sa bronze. “I love the energy from the team.”

Nagsilbing energizer si setter Deanna Wong para sa Choco Mucho’ sa pamamagitan.ng 30 excellent sets, 26 digs at umiskor ng dalawa sa kanyang apat nq puntos mula sa service area.

Nagtala si Kat Tolentino ng 23 points, kabilang ang tatlong blocks, nagsumite si Bea de Leon ng apat na blocks para sa 11-point outing habang nag-ambag si Desiree Cheng ng 10 points para sa Flying Titans.

Ang fourth placers nitong nakalipas na taon sa Ilocos Norte bubble, tatangkain ng Choco Mucho na tapusin sa Game 2 bukas ng alas-3 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

“It’s a matter and faith. If we wanted, we will get it,” sabi ni Almadro.

Nagbida si Roselyn Doria para sa HD Spikers na may 12 points, kabilang ang dalawang blocks at dalawang service aces, habang nagdagdag si Ces Molina ng 11 points at 19 digs.

Si Cignal skipper Rachel Anne Daquis, na hindi sumalang sa huling dalawang sets sa four-set loss sa PetroGazz sa semis decider noong Lunes, ay ipinasok lamang sa second set at tumapos na may 10 points, kabilang ang dalawang service aces, at walong receptions.

Sa classification round Martes ng gabi sa Filoil Flying V Centre, bumato si veteran setter Rhea Dimaculangan nh 38 excellent sets at giniya ang PLDT Home Fibr upang malusutan ang F2 Logistics, 25-21, 21-25, 25-17, 28-30, 15-8, upang pumuwesto sa pang-lima.

Nagtala si Fiola Ceballos ng 18 points, 26 digs at pitong receptions habang umiskor rin si Chin-Chin Basas ng 18 points para sa High Speed Hitters.

Tumapos ang Cargo Movers, na pinamunuan ni Majoy Baron na may 13 points, sa pang-anim sa kanilang unang sabak sa PVL.

Nagbigay ng pinagsamang 38 points sina Bern Flora, Marian Buitre at Janine Marciano nang maungusan ng BaliPure ang deposed champion Chery Tiggo, 15-25, 25-20, 18-25, 25-22, 15-7, upang makaiwas sa winless conference.

Sa kabila ng panalo, pang-siyam ang Water Defenders habang pang-walo ang Crossovers.

Tumapos naman sa pang-pito ang Army-Black Mamba.