Rabies

World Rabies Day ipinagdiwang ng Batangas City

70 Views

IPINAGDIWANG ng Batangas City ang World Rabies Day sa pamamagitan ng rabies forum kasama ang mga kinatawan ng Provincial Rabies Technical Committee at mga representatives ng mga Animal Bite Treatment Centers noong Setyembre 2024.

Inilatag ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO), ang mga best practices sa paglaban sa rabies.

Kabilang sa best practices ang pinalawak na vaccine advocacy and literacy program, responsible animal care program, information drive na nakatutok sa kaalaman sa rabies para sa komunidad at paaralan, capability building and assessment ng mga Animal Bite Treatment Centers sa Batangas at pagpapalawak ng rabies cases investigations sa mga suspected rabid animal bite.

Nagbahagi din ng Regional Outlook on Rabies Control Program ang Department of Health CALABARZON na pinamunuan ni Jomell Mojica, Region IV-A Rabies Coordinator.

Tampok din sa isinagawang forum ang Anti-Counterfeit Drug lecture na inihatid ng mga representante ng New Marketlink na isa sa mga marketer ng kilala at subok na anti-rabies product sa lalawigan.

Ginawa ang lecture ng napabalitang may namatay sa rabies dahil naturukan ng counterfeit o pekeng rabies vaccine mula sa isang pribadong ABTC.

Sinundan ito ng pagbibigay-pagkilala at parangal sa mga top 5 animal bite treatment centers, kabilang ang mga Bayan ng Alitagtag, San Luis, Cuenca, Calatagan at Tanauan City.

Ang pagdiriwang ng World Rabies Day sa lalawigan nakasentro sa temang “Keep our homes and community injury free! Siguraduhing bakunado si bantay at wag iwanang mag isa ang mga chikiting kasama ang mga alagang hayop.”

Mataas ang kaso ng animal bite at vaccination rate sa Batangas dahil karaniwang nakakagat o nagagalusan ng mga hayop ang mga dog and cat owners na kasama ang kanilang mga alaga sa loob ng bahay at bakuran.