Isko1

Yorme Isko nag-administer ng oath sa mga bagong halal na opisyal ng Manila City Hall Press Club

51 Views

NANUMPA sa harap ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga bagong halal na opisyal ng Manila City Hall Press Club para sa taong 2026-2027 Biyernes ng tanghali sa tanggapan ng alkalde sa Manila City Hall.

Nanguna sa mga opisyal na nanumpa sa katungkulan si Jocelyn Tabangcura Domenden ng Police Files Tonight at Saksi bilang Pangulo, Jay R. Reyes ng Remate, Vice President, Gene Adsuara ng People’s Balita, Secretary, Emman Mortega ng DZXL Treasurer, Archie Amado ng Net 25 at Radyo Aguila Auditor, at Lorenz Tanjuco ng Radyo Pilipinas, Chairman of the Board.

Nanumpa rin bilang mga bagong halan na Board of Directors na sina Edd Reyes ng People’s Tonight/Journal news online, Steve Raz ng DZMM, Felix Laban ng DZME, Pot Chavez, Manila Standard; Jun Samson, DWIZ, DK Zarate ng Radyo Pilipinas, habang hindi nakadalo sina Grant Hilario ng Radyo Bombo at Manny Vargas ng DZBB.