Zamboanga

Zamboanga naka-alpas sa Caloocan

Robert Andaya May 30, 2024
172 Views

HINDI man naka-triple double, nag-bida pa din si dating MPBL MVP Jaycee Marcelino para sa Zamboanga Masters Sardines.

Nagtala si Marcelino ng 17 points, 11 assists, nine rebounds, five steals at one block sa 72-65 na panalo ng Zamboanga laban sa host Caloocan sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Caloocan Sports Complex.

Nakatulong ni Marcelino sina dating Pampanga Giant Lantern player Jayson Castro Apolonio, na may 13 points, four rebounds at two steals; Joseph Terso, na may 11 points at three assists; at

Adrian Santos, na may nine points at eight rebounds para sa Zamboanga.

Dati dito, umakyat ang Zamboanga sa 8-2 win-loss, haban g]hinila pababa sa team standings ang Caloocan, na ngayon ay may 5-2 record.

Ang Caloocan ay pinangunahan ng 14 points at four rebounds ni Jeramer Cabanag, 11 points at five rebounds ni Rommel Calahat at 10 points at five rebounds ni Reil Cervantes.

Ang MPBL, na itinuturing ding “Liga ng Bawat Pilipno” ay itinatag ni Sen. Manny Pacquiao sa tulong ni PBA legend Kenneth Duremdes.

The scores:

Zamboanga (72) — Jc Marcelino 17, Apolonio 13, Terso 11, Santos 9, Publico 6, Omega 4, Gabayni 4, Subido 3, Nayve 3, Barcuma 2, Alas 0, Ignacio 0, Tansingco 0, Celestino 0.

Caloocan (65) — Cabanag 14, Calahat 11, Cervantes 10, Lee Yu 8, Inigo 5, Sumoda 5, Palencia 3, Matias 3, Lasco 2, Espinas 2, Tayongtong 2, Sanga 0, Bonsubre 0, De Mesa 0.

Quarterscores: 23-22, 40-36, 60-53, 72-65.