Zubiri

Zubiri: Pag-resign ni Tol malaking kawalan

173 Views

PORMAL ng tinanggap ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang resignation ni Senador Francis Tolentino bilang blue ribbon committee chairman gayundin bilang miyembro ng Bicameral sa Commission on Appointments.

Ayon kay Zubiri, isang malaking kawalan para sa kanila ang pag resign ni Tolentino dahil na rin sa galing na ipinakita nito bilang chairman gayundin ang kapasidad nito sa paghawak ng nasabing posisyon dahil na rin sa ito ay isang abogado bago pa man naging senador.

Gayunman, sinabi rin ni Zubiri na walang term-sharing na magaganap at hindi aniya term sharing ang gagawin nilang pagpili sa magiging kapalit ni Sen. Tolentino sa iniwan nitong posisyon kundi dadaan sa normal na proseso ng pilian na pagde desisyunan ng mayorya sa senado.

Ang pagbibitiw aniya ni Tolentino ay bahagi ng kanyang kahilingan na inuunawa at nirerespeto ng Senado, ayon kay Zubiri.

Nauna rito ay sinabi ni Tolentino na nagkaroon ng isang sagradong kasunduan na hanggang isa at kalahating taon lamang siya bilang chairman ng blue ribbon gayundin sa CA kung kaya’t aniya ay dapat niya itong irespeto at gawin base sa napag-usapan.

Tinanggap ng pormal ni Zubiri ang kahilingan ni Tolentino na bitawan ang dalawang makapangyarihan na pwesto na magtatapos sa Dec. 31, 2023.

Ganun pa man, inilahad ni Zubiri na nagsabi si Tolentino na handa siyang tumulong at makipag koordinasyon sa sinuman papalit sa kanya sa dalawang posisyon bilang bahagi ng maayos na transisyon.

“And while we regret that Senator Tolentino is stepping down as head of the blue ribbon and the CA panel, we have no other options but to understand and respect his decision. Senator Tolentino has been very effective and efficient and was able to mandate to investigate in aid of legislation matter critical issues involving public officers with accountability,” paglalahad ni Zubiri.