Zubiri

Zubiri, Tulfo: Road rage incidents imbestigahan!

204 Views

TulfoNAGHAIN ng resolusyon sina Senator Raffy Tulfo at Senate President Juan Miguel Zubiri para imbestigahan ang talamak na insidente ng road rage incidents sa bansa.
Sinumite ni Tulfo at Zubiri ang Senate Resolution (SR) No. 769 matapos nag-viral sa social media ang isang ex-cop na nanakit at binunutan pa ng baril ang isang siklista sa Quezon City noong Aug. 27.

“The alarming rise in road rage incidents has posed a serious threat to public safety and the well-being of citizens,” nakasaad sa resolusyon. “It is crucial to take immediate and effective measures to address this issue and ensure the safety of all road users.

Sa paghahain ng resolusyon, sinabi nina Tulfo at Zubiri na ang Land Transportation Office (LTO) at iba pang kinauukulang awtoridad ay inaatasan na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon at parusa na may kinalaman sa mga insidente ng road rage.

Kabilang sa parusa ang pagpapawalang-bisa at permanenteng pagbabawal sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) para sa mga indibidwal na napatunayang nagkasala.

Binigyang-diin nila na ang LTO at ang mga kinauukulang ahensya ay dapat magtulungan upang magtatag ng isang komprehensibong sistema para mamonitor ang mga indibidwal na sangkot sa insidente ng road rage. Ang mga nasabing indibidwal ay dapat pagbawalan na kumuha o mag-renew ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Hinimok din nina Tulfo at Zubiri ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na makipagtulungan sa mga mental health professionals upang magbigay ng counseling at anger management interventions para sa mga indibidwal na guilty sa road rage offenses. Ito ay para na rin maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap.