QCPD

10 QCPD nasa restrictive custody sa di pag-turn over ng MJ na nakumpiska

47 Views

ISINAILALIM sa restrictive custody ang sampung miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na madiskubreng hindi itinur-over ang mga nakumpiskang marijuana sa limang sugarol sa isinagawang illegal na ‘Oplan Galugad’ sa lungsod nitong Martes.

Ayon sa report, nag viral ang isang post sa social media sa umanoy mga iregularidad sa ikinasang Oplan Galugad noong Abril 12. ng 10 operatiba mula sa Holy Spirit Police Station 14.

Una nang iniulat ng PS 14 ang pag-aresto sa limang lalaki dahil sa ilegal na sugal.

Gayunpaman, nitong Martes, (Abril 22), nadikubre na ang narekober na hand bag na may lamang pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana ay hindi naidokumento, naimbentaryo, o nai-turn over sa crime laboratory.

Hindi naman binanggit sa ulat kung ilang gramo o kilo ang nakumpiskang marijuana mula sa mga suspek.

Hindi rin umano kinasuhan ang mga nadakip ng paglabag sa ilalim ng R.A. 9165, kaya naman nahaharap sa kasong neglect of duty and grave misconduct ang 10 pulis.

Ang lahat ng sangkot na pulis ay tinanggal sa kanilang mga puwesto, dinisarmahan at itinalaga sa District Personnel and Holding Admin Section ng QCPD.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) para sa imbestigasyon at pagsasampa ng naaangkop na mga kasong kriminal at administratibo.

“The QCPD strongly condemns any act that erodes public trust. We assure the public that this matter is being handled with urgency and transparency. This is in full support of the directive of NCRPO Regional Director, PMGen Anthony A Aerin, to cleanse the ranks of the NCRPO of scalawags and uphold the highest standards of professionalism and integrity in law enforcement,” pahayag ni Acting QCPD Director, P/Col Randy Glen Silvio.