Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
16-anyos nakitang nakabigti ng 2 HS teacher sa QC
Melnie Ragasa Jimena
Oct 7, 2024
189
Views
NATAGPUANG nakabigti noong Huwebes ang 16-anyos na estudyante sa opisina ng Boy Scout sa isang paaralan sa Quezon City.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) police station 15, bandang alas-6:40 ng gabi nang matagpuan ang nakabigting katawan ng binatilyo.
Ayon kay P/Lt. Col. Macario Loteyro, hepe ng PS-15, pauwi na ang dalawang high school teacher nang mapadaan sa Boy Scout office at nakita ang nakabigting katawan ng estudyante.
Humingi ng saklolo ang mga guro sa guwardiya ng paaralan para maibaba ang estudyante mula sa pagkakabigti.
Inaalam ng pulisya kung may foul play sa insidente.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025