Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Tulak

2 nasakote sa pag-iingat ng P400K na shabu

Edd Reyes Mar 18, 2025
73 Views

TIMBOG ang isang lolo at ka-tandem niya sa pagbebenta umano ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P400,000 sa entrapment ng mga pulis noong Lunes sa Caloocan City.

Umabot sa 60 na gramo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) acting director P/Col. Josefino Ligan sa mga naarestong sina alyas Arnold, 62, at alyas Pade.

Nahuli ang dalawa sa pamumuno ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr. dakong alas-11:34 ng gabi sa Phase 8, Package 5, Brgy. 176D matapos makipag-transaksiyon ang mga suspek sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nahaharap ang dalawa sa mga kasong pagbebenta, pagsasabwatan at pag-iingat ng bulto ng shabu sa ilalim ng Article II ng RA.9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Tiniyak ni Col. Ligan na tuloy-tuloy ang kanilang anti-drug campaign.