BFAR

2 probinsya positibo sa red tide

132 Views

POSITIBO sa red tide ang dalawang probinsya sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Batay sa lumabas na resulta ng pagsusuri ng laboratoryo, mayroong mataas na lebel ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City sa probinsya ng Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” sabi ng advisory na inilabas ng BFAR.

Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, o alimango basta ito ay sariwa, hinugasan ng maigi, at inalisan ng mga hasang at bituka bago lutuin.