Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Boga Source: Police Regional Office 3

2 suspek sa pag-iingat ng boga, bala nahuli

Bernard Galang Apr 10, 2025
24 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Arestado noong Miyerkules ang dalawang lalaki sa Arayat, Pampanga dahil sa paglabag sa election gun ban.

Ayon kay Pampanga police director P/Col. Jay Dimaandal, naisilbi ang unang search warrant sa bahay ni alyas Baby, 56, at nasamsam ang isang 5.56mm, M16 Colt rifle, apat na short magazine, dalawang long magazine, dalawang magazine para sa .45 pistol, isang rifle grenade at 236 rounds ng 5.56mm live ammunition

Ni-raid din ang bahay ni alyas Amang, 72, ng San Mateo Road. Humantong ang raid sa pagkakasamsam ng isang .45 caliber pistol, tatlong M16 rifle magazine na may mga live ammunition, isang disassembled M16 rifle upper and lower receiver at isa pang rifle grenade.

Dinala ang dalawang suspek sa Arayat police at sasampahan ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bilang paghahanda sa darating na May 12 midterm elections, iginiit ni PRO-3 chief P/Brig. Gen. Jean Fajardo ang pangangailangang tugunan ang banta ng mga loose firearms.