Calendar
2 tirador ng motorsiklo natunton ng huling biktima, arestado
TIMBOG ang dalawang kawatan ng motorsiklo nang matunton ng kanilang pinakahuling biktima ang kanilang tinangay sa lugar na kanilang pinagdalhan Biyernes ng madaling araw sa Paranaque City.
Kaagad nagtungo sa Paranaque police station ang biktimang si alyas “Freddie,” 30, nang maispatan niya ang kanyang motorsiklo sa Tramo 1 Brgy. San Dionisio na tinangay ng mga suspek upang humingi ng tulong.
Kaagad namang pinakilos ni P/Col. Nicolas Pinon, hepe ng Paranaque police ang mga tauhan ng Intelligence Section upang samahan ang biktima sa sinabing lugar hanggang abutan nila ang mga suspek na sina alyas “Jimboy”, 23, at “Jobeth”, 41, na paalis na sa lugar, sakay ng nakaw na motorsiklo dakong alas-3:20 ng madaling araw.
Nang kapkapan, nakuha pa kay alyas Jimboy ang isang kalibre .38 revolver na may kargang anim na bala na nakasukbit sa kanyang baywang.

