Calendar

2,017 kriminal sa Central Luzon winalis ng parak
Kasama si STEVE GOSUICO
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Hindi bababa sa 2,017 wanted persons sa Central Luzon ang natiklo ng mga pulis mula Enero 10 hanggang Marso 30.
Ang mga pag-aresto nagpatibay sa pangako ni Police Regional Office (PRO)-3 chief P/Brig. Gen. Jean Fajardo na magbibigay ng hustisya sa mga biktima ng krimen.
Pinuri ni Fajardo ang dedikasyon ng mga tauhan ng PRO3 at binigyang-diin na ang mga istratehiya na hinimok ng intelligence, operational precision, at malakas na koordinasyon humantong sa matagumpay na pag-aresto.
Sa 393 most wanted persons na naaresto, 108 ang nahaharap sa murder, 76 sa panggagahasa, 59 sa robbery at 150 sa illegal drug-related offenses.
“Ang suporta sa komunidad gumaganap ng isang mahalagang papel sa aming tagumpay.
Hinihikayat namin ang lahat na manatiling alerto at tulungan kaming matiyak na nabibigyan sila ng hustisya,” dagdag ni Fajardo.