Calendar

2018 rice crisis, ‘bukbok’ fiasco ni Duterte Agri chief Piñol binalikan ni Chairman Acidre
BINALIKAN ni House committee on overseas workers affairs chairman Jude Acidre si dating Agriculture Sec. Manny Piñol kaugnay ng mga pagkukulang nito na nagresulta sa rice crisis noong 2018 at sa kontrobersyal na isyu ng “bukbok” rice na nagpapakita umano ng kahinaan ng pamumuno nito.
Si Acidre, na isa ring House Assistant Majority Leader, ay naglabas ng pahayag matapos isisi ni Piñol sa administrasyong Marcos Jr. ang P16.63-trilyong utang ng bansa.
Sinabi ni Acidre na alam ni Piñol, na nagsilbing kalihim ng Department of Agriculture (DA) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2016 hanggang 2019, na ang nakaraang administrasyon ang nagpalobo ng utang ng bansa.
Ayon kay Acidre, P7.2 trilyon ang inutang ng administrasyong Duterte, mas malaki pa sa pinagsama-samang utang na P6.6 trilyon ng lahat ng naging administrasyon mula kay Pangulong Manuel Quezon hanggang kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, o sa loob ng halos siyam na dekada.
“It’s one thing to criticize, but it’s another to take responsibility. Former Secretary Piñol had his moment to lead during a real crisis, and the public paid the price for his missteps,” ani Acidre.
Binigyang-diin ni Acidre ang umano’y rice crisis noong 2018 sa ilalim ng administrasyong Duterte, kung kailan pumalo sa hanggang P70 kada kilo ang presyo ng bigas sa ilang lugar at bumaba sa kritikal na antas ang imbentaryo ng National Food Authority (NFA) bunsod ng pagkaantala ng importasyon at kakulangan sa maayos na pagpaplano.
“Filipino families suffered because critical decisions were delayed. What happened wasn’t just unfortunate—it was mismanagement,” giit ni Acidre.
Ipinunto rin niya ang mga natukoy na insidente sa mga imbestigasyon, kabilang ang pagdating ng mahigit 130,000 sako ng bigas na may bukbok, na naging sentro ng tinaguriang “bukbok rice” scandal.
“For many Filipinos, ‘bukbok rice’ became a symbol of a government scrambling to catch up with its own failure. It showed how desperate the situation had become,” ani Acidre.
Kinuwestyon din si Piñol sa umano’y paggamit ng insidente bilang publicity stunt—kung saan kinain niya sa publiko ang nabukbok ngunit na-fumigate na bigas upang maliitin ang isyu—na umani ng batikos mula sa mga mambabatas at mga tagapagtanggol ng food safety.
“That wasn’t leadership. That was a failure to take the crisis seriously,” ani Acidre.
“Leadership means stepping in, not standing back. The agencies were in conflict, and the public suffered because no one took charge,” dagdag niya.
Ayon sa mga analyst, sana’y naiwasan ang krisis kung mas maaga ang naging importasyon o kung mas malaki ang naging domestic procurement noong huling bahagi ng 2017.
“What happened in 2018 wasn’t a natural disaster. It was a leadership failure that left millions of families struggling to put food on the table,” sabi ni Acidre.
Hinimok niya ang mga botante na huwag basta magpadala sa mga talumpati at suriin kung sino ang namuno sa isa sa pinakamalubhang food supply breakdown sa kasaysayan ng bansa.
“Let’s not rewrite history. When rice prices soared, when weevil-infested rice was distributed, when families were lining up for affordable grains—who was in charge?” tanong ni Acidre.
“The public deserves leaders who act with foresight, not just hindsight,” dagdag pa niya.