2023 Palarong Pambansa natapos na

139 Views

NAGTAPOS na noong Sabado, Agosto 5 ang 2023 Palarong Pambansa na ginanap sa Marikina City.

Ang National Capital Region (NCR) ang nag-uwi ng pinakamaraming medalya.

Nakakuha ang NCR ng 85 ginto, 74 pilak, at 55 tansong medalya.

Pumangalawa naman ang Western Visayas (Region VI) na nakasingit ng 60 ginto, 45 pilak, at 44 tansong medalya samantalang ang CALABARZON (Region IV-A) ang pangatlo matapos mag-uwi ang mga manlalaro nito ng 52 ginto, 52 pilak, at 57 tansong medalya.

Sa 2024, ang Palarong Pambansa ay gaganapin sa Cebu City.

Ang Ilocos Norte naman ang magiging host ng Palaro sa 2025.