World Slasher

21 entries sasabak sa World Slasher pre-finals

124 Views

MAGSASALPUKAN na ang entries para sa 4-cock pre-finals ng 2024 World Slasher Cup 2 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Kabilang sa mga sasabak sa pre-finals sina four-time WSC champion Rey Briones, multi-titled derby champion Frank Berin, EP/Jimmy Rimando, RBM/Hilbert Crisistomo, Anthony

Jacinto/Eugene Arive, Zaballa/Tolidan/Jaaper/Galang/Ortega & Boody 33, Dr. Buddy Robrigado/Rommel Manalo, Raymond Dela Cruz, Alan Arandia, Doc Ran Bonavente, BGC/Ernie and Alex, at Ricky Magtuto/Jeffrey Sy/Alwyn Sy.

Ang iba pang malalaking mga pangalan na umabante sa pre-finals ay sina Engr. Emerson Sumigad, Lito Cay, Dylan Castillo/Ed Ligon/Mecoy Timbas, Butch Brotonel/JJC, Dr. Ronald Artes/Ortee, VG/Mario Siochi/John Lee Hagoriles, Frank Berin and Toto Sevilla, and Bulldog.

Ang pre-finals ay tatampukan ng 44 fights.

Sa pinakaaabangang grand finals matutinghayan ang bagong World Slasher Cup champion.

Maaaring mapanood ang aksyon live sa Smart Araneta Coliseum, na kung saan makakakuha ng tickets sa Ticketnet.